
Heto ako nakaharap sa salamin. Nakikipagtitigan sa sarili kong repleksyon. Nagsasalita, akala mo may kausap. Iniisip ko nga na sa harapan ko ay kumpol ng tao. Sila ang gusto kong kausapin. Nakatindig ako sa harapan nila. Lahat sila nakatitig sa'kin. Hinihintay na marinig ang bawat salitang aking bibitawan. May tiwala sila sa akin na ang bawat ideyang hinuhugis ng aking mga labi ay para sa kanilang kapakanan at sa buong salinlahi.
Kanina, pag-uwi ko, napagmasdan ko ang kalyeng aking tinatahak. Inilikbay ang mga mata sa paligid. Ang daming sasakyan. Nakakabingi ang kanilang mga ungol. Nasasaktan din ang ilong ko dahil sa matatalim nilang usok. Nakakabulag ang kaitiman. Animo'y mga bumabang ulap na nagdadala ng matinding bagyo.
Puros bato na nahugis sa isang bahay na mahirap sabihing isang tahanan. Paano ba naman kasi, halos wala namang tumitira. Grabe! Nag-uunahan ang bawat bahay na abutin ang kalangitan. Napakataas na ambisyon. Kalangitan? Hindi ko alam kung langit pa bang matatawag ang dating karagatan sa taas na unti-unting nagiging hukay. Hukay ng mga mababangis na diyablo.
Mahaba ang paglalakad ko. Pero ayos lang dahil sa isang halamang tinuring kong pag-asa. Araw-araw kong pinapanalangin na
Malapit nang mamatay ang dating mundo. Iyong mundo kung saan nakikipaghalakhakan ang tao sa bawat alon ng dagat; nakikiawit sa mga ibon; nakikisayaw sa hangin; nakikilangoy sa mga isda; nakikisabay sa mga talon ng mga tipaklong sa bukiran; nakikipaglaro sa mga paruparong masayang nakikipagligawan sa mga rosas, sa mga hasmin, sa mga sampagita. Doon sa mundong ang matayog ay hindi gusali kundi mga punong ang iniaalay sa langit ay hindi kadiliman kundi kasariwaan: lunti, hindi itim. Doon sa mundong ang tinatangay ng agos ay hindi basura kundi ang mga lotus na namumulaklak, pinupuno ang sapa't ilog ng kaputihan, inaakay ang bawat nilalang sa kalmang paglubog ng araw at sa pagbati nila sa bagong buwan at mga bituin.
Nakakalungkot isipin na pagdating ng araw at ako'y magkakaroon ng anak, marahil kuwento na lamang ang lahat ng ito. Ginagawan na lamang niya ng mga larawan ang bawat kuwento ko gamit ang kanyang imahinasyon. Paano kung gusto niyang makita ang totoo? Sasabihin ko bang kathang-isip na lamang ang lahat? Sasabihin ko bang ipinagkait sa kanya ng kapwa niya nilalang ang kagandahan ng mundo? Masakit isipin na ang panahon ko ang nagnakaw sa masaya
Sana bukas, muling isaboy ng bulaklak na 'yon ang malapit na rin ilibing na pag-asa.
iann_05Oct08
No comments:
Post a Comment