Ang sarap balik-balikan ang mga alaala ng high school. Mga ginawang proyekto… mga kalokohan… mga outings… mga kabalbalan… mga pinagtripang guro… mga naparusahang kamalian… Madami, sobrang dami. At lahat ng ito’y masayang naumpisahan at ipinagpapatuloy dahil sa mga kaklaseng tinuring na kaibigan… at kaaway.
What am I going to write now? Is it about my high school memories? I don’t think I can inscribe those memories now. Little time won’t be enough for a mountain of pages. High school was great and so are its reminiscences. I’ll be writing that some time, though.
Just a touch of that part of my life, this poem I made was a requirement. Yeah, I had no choice but to squeeze my poor brain. *laugh*
Oo, Ako nga 'to
Ngayo'y hindi na lungkot kundi tuwa
ang namamasdan sa kanilang mga mata
Sapagkat isang anghel ang sa kanila'y ibinigay
ng Amang Diyos na mapagpalang tunay.
Oktubre noon, ika-dalawampu't dalawang araw
ang katahimikan ay unti-unting pumapanaw;
Iyak ng babaeng sanggol ang narinig,
Sanggol na bunga ng umusbong na pag-ibig.
Sa gabi, siya'y hinehele ng kanyang ama,
O 'di kaya'y kinukuwentuhan ng kanyang ina.
Sila ay maglalaro kinabukasan,
O 'di naman kaya ay aklat ang binubuksan.
Dumating ang araw ng kanyang pagpasok,
Sa Sentral ng Pidigan, talento niya'y hinubog.
At 'di naglaon, nagtapos siya ng elementarya
na bitbit ang unang medalya.
Sekondarya,
sa pag-asang dito niya matatagpuan
ang mas mataas na antas ng pagtuturo
at mga gurong tunay na matatalino.
Kulang sa sampung buwan mula ngayon,
Aakyat sa entablado, makukuha na ang diploma
sa wakas, magtatapos na!
Oopps! Sampung b'wan? Matagal pa 'yon.
Pero salamat na rin sa paaralan
(ang aga pa para magpasalamat no)
sa paghubog sa aking isipan;
Sa pagkabuo ng pangarap,
Ito ang gabay sa paghahanap.
Hay... Ang bilis ng panahon,
(parang rocket sa space!)
Kailan lang nang siya'y hubad
at tumatakbo palabas kahit umaambon.
Ngayon?
(Nag-Growee siguro 'to.)
Batang inaaruga ng mapagmahal na magulang,
Mag-aaral na sa guro'y maraming natutunan,
Nagkaroon ng mga kaibigan
na karamay sa iyakan, katuwaan o ano pa man,
Taong hindi sumusuko sa laban,
Kahit takot, sige pa rin, nagtatapang-tapangan.
Ha? Opo, ako po iyan.
Bago ko tuldukan ang pagkahaba-habang tulang 'to,
(mahaba na para sa'kin, 'wag nang kumontra)
May mensahe ako para sa inyo
(sa mga nagbabasa man o hindi,
sa mga nandito man o wala):
Salamat! Salamat! Salamat! Salamat sa lahat
You bring out the best in me
(Ngek! 'Di na nagtugma-tugma. 'Sensya na.)
At dito na nga nagtatapos ang aking
Akala niyo may kasunod pa? Wala na!
Teka! Pahalik... MMMWWWAAAHHH!
_iann
13Jun06
Nakakatawa noh? Parang tanga lang gumawa. Hindi ako marunong sa
Hidi ko talaga alam kung ano ilalagay ko rito. Wala pa kasing “intense” emotion kaya ‘di ako makapagsulat. *wide grin*
Wala pa masyadong bumibisita kasi rito. ‘Pag meron na, saka na lang ako gagawa ng bonggang bongga. *winks*
No comments:
Post a Comment